Ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ng dalawang katutubong Aeta laban sa umiiral na Anti-Terror Law.
Ito’y kinumpirma mismo ng Chief Justice Diosdado Peralta, na kanilang ibinasura ang petition for intervention hinggil sa pagkwestyon ng dalawang aeta sa Anti-Terrorism Law na umano’y ginamit na batas sa kanila nang hulihin ng mga awtoridad.
Giit ng punong mahistrado, ang naturang desisyon ay ‘unanimous’ o sinang-ayunan ng lahat ng mga mahistrado.
Mababatid na inanunsyo ni Peralta, ang naturang desisyon matapos na maglatag ng manifestation si Solicitor General Jose Calida hinggil sa naturang petisyon.
Paliwanag ni Calida, umatras na ang dalawang Aeta sa naturang petisyon, pero pinilit umano ang mga ito ng abogado ng National People’s Lawyer na pirmahan ang dokumento.
Napilitan pa ani Calida, ang mga Aeta na pumirma sa dokumento dahil kapalit umano nito ay P1,000.