Magkakasa ng sariling imbestigasyon ang Korte Suprema laban sa 7 hukom na una nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito kabilang na ang ilang lokal na opisyal, sundalo at pulis sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, hindi kinakailangan sa ngayon ang paglantad o pagsuko ng mga nasabing hukom dahil may proseso silang pagdaraanan.
Subalit sa sandaling may basehan man para kasuhan ng kriminal ang pitong hukom, tiniyak ni Te na may hiwalay na korte na maglilitis sa mga ito.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)