Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang pagtalakay sa kasong isinampa laban sa ABS-CBN.
Napag-alamang nasa agenda ng mga mahistrado ang kaso ng ABS-CBN subalit hindi ito tinalakay.
Sa halip, posible umanong mapag-usapan ang kaso ng ABS-CBN sa en banc session sa ika-10 ng Marso.
Matatandaan na nagsampa ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN na naglalayong mapawalang bisa ang prangkisa ng network bago pa ito man ito magpaso.
Maliban sa quo warranto, hiniling rin ni Calida sa Korte Suprema na magpalabas ng gag order laban sa ABS-CBN.