Pormal nang nanumpa kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Si dating Sandiganbayan 7th Division Chair Alexander Gesmundo ay itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ni Associate Justice Jose Mendoza na nag retiro na.
Si Gesmundo ay ika-178 na naitalagang mahistrado ng Korte Suprema at ika-4 naman na mahistradong itinalaga sa High Tribunal ng Pangulong Duterte.
By Judith Larino / (Ulat ni Bert Mozo)