Muling binalaan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang administrasyong Duterte hinggil sa ikinakasang joint venture ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carpio, paglabag sa 1987 Constitution ang pagkakaroon ng joint venture sa Exclusive Economic Zone o EEZ na bahagi ng national territory.
Ipinunto ng mahistrado na mga Pilipino lamang ang maaaring makinabang sa mga likas na yamang matatagpuan sa EEZ alinsunod article 1 ng konstitusyon.
Ipinaliwanag din ni Carpio na bagaman maaaring pumasok sa mga kasunduan ang Pilipinas sa China o iba pang bansa, hindi naman ito maaaring gawin sa pamamagitan ng sovereign agreements.
Samakatuwid ay maaari lamang magsilbing contractor ang ibang bansa at hindi bilang isang sovereign entity.
By Drew Nacino