Binuweltahan ng Malakaniyang si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio hinggil sa mga pahayag nito sa publiko
Ito’y makaraang sabihin ni Carpio na magdudulot lamang ng pagkakawatak-watak ang ginagawang pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China matapos ang nangyaring hit and run sa mga pilipinong mangingisda sa Recto Bank
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, sa halip na makatulong ay ginagatungan pa ni Carpio ang usapin na nagdudulot ng pagkalito sa pangangalaga sa kalikasan
Bagama’t aminado si Panelo na posibleng tapat lang si Carpio sa kaniyang mga batikos at maganda naman ang intensyon nito subalit maaaring mapasama pa ang pilipinas sa kaniyang mga sinasabi
Kaya naman apela ni Panelo kay Carpio, huwag basahin ang probisyon ng Saligang Batas na may tinatangi o tinutumbok na usapin sa halip ay lawakan na lamang nito ang kaniyang pang-unawa