Pinag-iinhibit ng isang grupo si Supreme Court Justice Presbitero Velasco sa electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa grupong ‘The Silent Majority’, malapit umano kina Marcos at Pangulong Rodrigo Duterte ang anak ni Justice Velasco na si Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco kaya’t dapat itong mag-inhibit sa kaso.
Tinukoy ng grupo ang ipinost na larawan ng kongresista sa Facebook kung saan kasama nito ang pamilya ng Pangulong Duterte sa Davao City noong bisperas ng Pasko.
Bukod dito, mayroon ding anilang larawan na naka-post sa Twitter kung saan makikita ang misis ni Cong. Velasco na Wen, sa isang dinner, kasama sina Duterte at Marcos na ginanap sa Presidential Security Group (PSG) compound.
By Meann Tanbio