Sinuspinde ng Korte Suprema ang lahat ng sesyon nito mula November 5 hanggang November 22.
Ito ayon sa anunsyo ng High Tribunal ay para bigyang daan ang pagdaraos ng bar examinations ngayong taon.
Kaugnay nito, ipinabatid ng Korte Suprema na sarado naman mula November 9 hanggang 16 ang lahat ng collegiate courts at first and second level courts sa Metro Manila at lahat ng mga lungsod kung saan mayruong local testing centers.
Una nang inihayag ng kataas taasang hukuman na gagawin ang bar exam sa 14 na Local Testing Centers (LTCs) sa buong bansa kung saan lima ay nasa NCR at tig tatlo sa Luzon, Visayas at Mindanao. —sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)