Binuo na ng Korte Suprema ang isang Special Human Rights Committee upang pag-aralan ang mga posibleng pagkilos ng hudikatura kaugnay mga kaso ng extrajudicial killings.
Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, limitado lamang ang magagawa ng SC kaya tinitignan ngayon ng naturang komite kung maaring magpalabas ng bagong alintuntunin sa paghawak ng nasabing mga kaso.
Aminado si Sereno na walang kapangyarihan ang hudikatura na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon sa biktima ng EJK dahil tanging mga investigative agencies at prosecutors ang maaring gumawa nito.
Aniya, maaari lamang umaksyon ang hudikatura kapag may naisampa nang kaso ngunit sa ngayon ay kakaunti namang mga kaso ng EJK ang umaabot sa korte.
By Rianne Briones