Lilimitahan ng Supreme Court (SC) ang bilang ng mga abogadong papayagan nitong makadalo sa isasagawang oral arguments para sa anti-terrorism law sa January 19.
Sa abiso ng SC, sinabi nito na tanging walong mga kinatawan lang mula sa panig ng petitioners kontra sa naturang batas ang papayagang pisikal na magtungo sa en banc session hall.
At tig-isang abogado sa 37 mga petitioners na hindi kabilang sa walong petitioner presenters.
Habang ang panig naman ng Solgen o solicitor general na kumakatawan sa pamahalaan, ay pupwede lang magdala ng hanggang sa tatlong abogado.
Paliwanag ng SC, ang bawat panig ay bibigyan ng 45-minuto para ihayag ang kani-kanilang mga punto.
Magugunitang inulan ng petitisyon ang pag-iral ng naturang batas mula sa iba’t-ibang sektor na kumukwestyon sa legalidad nito.