Muling nagpaalala ang Korte Suprema sa lahat ng mga dadalo sa pagpapatuloy ng oral arguments ukol sa Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) na kailangang negatibo ang mga ito sa COVID-19 test.
Sa liham na ipinadala ni Clerk of Court Edgar Aricheta sa lahat ng mga may kinalaman sa usapin, binanggit na dapat muling magpakita ang mga ito ng negative Covid-19 RT-PCR sa loob ng pitumpu’t dalawang oras bago ang proceedings.
Sinabi ni Aricheta na bahagi pa rin ito ng mahigpit na safety measures laban sa impeksiyon.
Matatandaang ipinatupad din ang katulad na polisiya sa nakaraang oral arguments noong ikalawa ng Pebrero.