Nag-isyu ng guidelines ang Korte Suprema para sa mga korte sa mga lugar na sasailalim na lamang sa general community quarantine (GCQ).
Kabilang sa guidelines mula Mayo 16 hanggang 31 lahat ng korte sa mga lugar na nasa GCQ ay dapat physically open na mula may 18 hanggang 29 subalit magtatalaga lamang ng skeleton staff at by rotation.
Ang mga katanungan tungkol sa mga kaso, transaksyon, kabilang ang request para sa dokumento at serbisyo ay idadaan muna sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline numbers, pag e mail o sa social media account wala munang walk in requests na i e entertain sa mga korte sa GCQ areas
Ang mga hukom, mahistrado na mayruong medical conditions at maaaring malantad sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay maaaring mag work from home lahat ng branches ng korte sa gcq areas ay mag o o operate mula 9:00 a.m. ng umaga hanggang 4:00 p.m. ng hapon, lunes hanggang biyernes at mananatiling suspendido ang operasyon ng mga Night Court at Saturday Courts hanggang May 30.
Kasama rin sa guidelines na ang mga korte sa GCQ areas ay pwedeng tumanggap ng petisyon at pleadings maaari na ring magsagawa ng raffle ng mga kaso, tuloy din ang pag resolba sa mga kasng nakabinbin at puwedeng gawin ang hearing sa korte o kaya ay sa pamamagitan ng video conferencing at tiyakin ang health hygiene protocols sa mga court hearings.