Nakatakdang isalang sa oral arguments ng Korte Suprema ngayong araw ang petisyong kumukwesyon sa ilang probisyon ng family code na nagbabawal sa same sex marriage.
Kabilang sa mga tatalakayin ng mga mahistrado ng high tribunal ngayong araw at kung hindi naman lumalabag sa equal protection clause ng saligang batas ang itinakdang limitasyon ng estado sa kasal na para lamang sa mga babae at lalaki.
Tutukuyin din sa nasabing debate kung maituturing bang pagkakait sa karapatang mabuhay at kalayaan ng LGBT community o lesbians, gays, bisexuals at transgenders ang hindi pagpayag ng estado na ikasal ang magkapareho ang kasarian.
Kahapon, naglabas ng guidelines ang high tribunal hinggil sa magiging takbo ng oral arguments kung saan, 20 minuto lamang ang ibinigay na panahon para sa mga partido sa usapin na maglatag ng kanilang argumento.
—-