Nagpalabas ang Korte Suprema ng Writ of Amparo at Writ of Kalikasan na sumasaklaw sa West Philippine Sea o WPS.
Ayon sa mataas na hukuman, layunin nitong protektahan, i-preserba, i-rehabilitate, at ibalik sa dati ang marine environment sa Panatag Shoal, Ayungin Shoal, at Panganiban Reef sa nabanggit na teritoryo.
Magugunitang umakyat sa pinaka-mataas na korte ang isang grupo ng mga mangingisda at magsasaka mula sa Palawan dahil sa umano’y pagbabalewala ng gobyerno sa obligasyon nitong ipatupad ang mga batas pang-kalikasan sa rehiyon.
Ang Writ of Kalikasan ay isang kautusan na nagbibigay-proteksyon sa karapatan ng mamamayan para sa isang malinis, malusog, at kapaki-pakinabang na kapaligiran.