Naglabas na ng Temporary Restraining Order o TRO ang Supreme Court En Banc laban sa “no bio, no boto policy” ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan requirement ng mga botante ang magpa-biometrics bago bumoto sa 2016 polls.
Ayon kay SC Spokesman Atty. Theodore Te, epektibo agad ang TRO at magpapatuloy ito hangga’t walang kautusan ang Korte Suprema.
Alinsunod sa kautusan, ipinatitigil sa poll body ang pag-deactivate sa mga registered voter na walang biometric information.
Inatasan din ng mataas na hukuman ang COMELEC at Solicitor General na magsumite ng komento sa loob ng non-extendable period of 10 days from notice.
Inilabas ng SC ang TRO bunsod na rin ng inihaing petition for certiorari and prohibition ng youth groups sa pangunguna ni Kabataan Partylist Representative Terry Ridon.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)