Nagsalita na rin ang Korte Suprema sa isyu ng posibleng paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
NGAYON: Press briefing ng Korte Suprema kaugnay ng isyu ng napipintong paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez pic.twitter.com/jMTzUP79KU
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 23, 2019
Ayon kay Atty. Bryan Osaka, spokesman ng Korte Suprema, ang pinetisyon at dinesisyunan naman ng Supreme Court ay hindi ang batas kundi ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.
Ang tanging naging usapin anya ay kung retroactive ba ang GCTA o ang makikinabang lamang ay ang mga masesentensyahan sa panahong ipinasa ang batas.
In deciding the case, the Supreme Court applied the fundamental doctrine in criminal law which states that penal laws which are favorable and advantageous to the accused are applied retroactively, thus, the Supreme Court, struck down the provision in the IRR and ruled that RA 10592 was to be applied retroactively,” ani Osaka.