Nagtakda ng dalawang araw na oral arguments ang Korte Suprema para sa mga petisyong humihiling na ipawalang bisa ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao.
Batay sa anunsyo ni Supreme Court Spokesman Theodore Te, isasagawa ang oral arguments sa Martes, Enero 16, alas dos ng hapon at sa Miyerkules, Enero 17, ganap na alas diyes ng umaga.
Ayon kay Te, pinagisa na rin ng Supreme Court ang lahat ng petisyong may kinalaman sa extension ng martial law.
Inatasan rin ng Korte Suprema ang Solicitor General na magsumite ng kanyang komento sa mga petisyon hanggang January 13.
EN BANC ACTION (1/10/18): Petitions v. #MartialLawExtension consolidated (GR 235935, 236061);ORALS on 1/16/18, 2PM and 1/17/18 starting 10am
— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) January 10, 2018