Nagpapatuloy ngayon ang ikalawang araw ng oral arguments ng Korte Suprema hinggil sa mga petisyon na isinampa laban sa martial law extension sa Mindanao.
Kabilang sa mga dumalo dito ay ang matataas na security officials na sina Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa; Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff Rey Leon Guerrero at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa pagbubukas ng oral argument, muling iginiit ng isa sa mga petitioner na si Albay Representative Edcel Lagman na walang sapat na batayan ang gobyerno para palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao.
Paliwanag ng mambabatas, wala nang nagaganap na aktuwal na rebelyon at hindi na rin nalalagay sa alanganin ang seguridad ng publiko dahil natapos na ang giyera sa Marawi City.
Binatikos din ni Lagman ang naging desisyon ng mga kongresista hinggil sa kahilingan ni Pangulong Duterte na pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao dahil minadali nila ang pag-abruba dito.
LOOK:
Ikalawang araw ng SC oral arguments kaugnay sa Mindanao Martial Law extension | via @bert_dwiz882 pic.twitter.com/CRCpoRmk3o— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 17, 2018
—-