Pinaalalahanan ng Korte Suprema ang mga hukom kaugnay sa implementasyon ng 2014 jail decongestion guidelines upang maiwasan ang pagsisikan sa mga piitan.
Ito’y matapos mapaulat na may mga preso na ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, may mga panuntunan hinggil sa karapatan ng mga preso na makapagpiyansa at sa mabilis na paglilitis ng kanilang kaso.
Kung matutugunan aniya ito ng mga hukom ay mababawasan ang dami ng preso sa piitan at maiiwasan ang pagsisiksikan kung saan ikinababahala ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.