Pinagbigyan ng Korte Suprema ang petition for writ of amparo ng asawa ng napatay na miyembro ng New People’s Army (NPA).
Naglabas ng permanent protection order ang Korte Suprema laban sa Philippine National Police (PNP) para kay Vivian Sanchez at sa dalawang anak nito.
Sa kanyang petisyon, sinabi ni Sanchez na tinitiktikan sya ng mga pulis at pinagbabantaang sasampahan ng kaso.
Sa botong 8-5-1, sinabi ng Korte Suprema na mayroong matibay na ebidensya na minomonitor ng PNP ang galaw ng pamilya ni Sanchez dahil sa relasyon nito sa isang hinihinalang miyembro ng NPA.