Pinagkokomento ng Korte Suprema ang dalawang mambabatas at isang opisyal ng Kamara de Representantes sa petisyong inihain ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ng tinaguriang “Ilocos 6”.
Sampung araw ang ibinigay ng Supreme Court para magsumite ng kanilang kumento sina Ilocos Norte First District Representative Rodolfo Farinas, Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel (Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability) at House Sergeant-at-Arms, Retired Lt. General Roland Detabali.
Matatandaang sa inihaing petisyon ng kampo ni Marcos, hiniling nila sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Restraining Order na pipigil sa pagsisiyasat ng komite sa Tobaco Excise Tax fund.
Kabilang rin sa kanilang inihihirit na hawakan ng high tribunal ang kaso ng writ of habeas corpus na una nilang idinulog sa Court of Appeals at iutos ang pagpapalaya sa Ilocos 6 sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Writ of Amparo.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo
SC pinagkokomento ang 2 mambabatas at 1 opisyal hingil sa petisyon ni Gov. Marcos was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882