Pinatawan ng Korte Suprema ng hanggang 4 na taong pagkakabilanggo ang isang lalaki dahil sa pangmomolestiya sa isang menor de edad sa Makati City.
Batay sa 4 na pahinang desisyon ng mataas na hukuman, napatunayang Guilty sa kasong Acts of Lasciviousness si Oscar Guerrero kung kaya’t ibinasura nito ang apela ng akusado.
Ayon sa Supreme Court, tama ang desisyon ng mababang korte na lahat ng elemento ng kasong pangmomolestiya ay ginawa ni Guerrero tulad na lamang ng paggamit ng pwersa at pananakot.
Bukod dito, pinagbabayad din si Guerrero ng P60,000 sa biktimang si Alyas Anna bilang danyos na may interes na anim na porsiyento kada taon hanggang sa mabayaran nang buo ng akusado. —Ulat mula kay Patrol 13 Gilbert Perdez