Pinatawan ng “reprimand” ng Korte Suprema si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa mga naging banat nito noon laban sa mga mahistrado.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, nilabag ni Sereno ang Code of Professional Responsibility, Code of Judicial Conduct at Sub Judice Rule.
Matatandaang habang nakabinbin pa noon ang quo warranto petition laban kay Sereno ay makailang ulit itong nagbitiw ng maaanghang na pahayag laban sa mga mahistrado kung saan tinawag pa niya na “bias” ang mga tumestigo sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya ni Atty. Larry Gadon.
Maliban dito, pinag-iinhibit din ni Sereno ang mga naturang mahistrado sa pag-desisyon sa quo warranto petition na kalauna’y nagpatalsik sa kanya sa puwesto.
—-