Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Commission on Elections o COMELEC hinggil sa inilabas na desisyon nito na nagbabasura sa kandidatura sa pagkapangulo ni Senadora Grace Poe sa susunod na taon.
Ito ayon kay Atty. Theodore te, tagapagsalita ng High Tribunal matapos pigilan ng Supreme Court ang pagpapatupad ng dalawang desisyon sa pamamagitan ng paglalabas ng Temporary Restraining Order o TRO.
Kahapon, naghain ng kanilang petition for certiorary ang kampo ni Senadora Poe kasabay ng limang araw na palugit para umapela sa nasabing desisyon.
Sampung araw ang ibinigay ng korte suprema sa COMELEC para ilatag ang kanilang panig hinggil sa naturang usapin.
Magugunitang kinatigan ng COMELEC en banc ang desisyong inilabas ng kanilang 1st at 2nd division na nagkakansela sa certificate of candidacy ng Senadora.
By: Jaymark Dagala