Posibleng hindi na magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Senador Antonio Trillanes at 10 iba.
Si Trillanes, Peter Advincula at iba pa ay kinasuhan ng conspiracy to commit sedition dahil sa paglikha ng “Bikoy videos” kung saan isinasangkot sa illegal drugs ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) undersecretary Markk Perete, spokesman ng DOJ, maaari kasing unahan na ng mga akusado ang korte at maghain na ng pyansa bago pa mailabas ang warrant of arrest.
Mula sa halos 30 kinasuhan sa DOJ, labing isa lamang ang nakitaan ng sapat na ebidensya upang iakyat sa korte ang kaso.
Sinabi ni Perete na ang mga kinasuhan ay yun lamang napatunayang may direktang kaugnayan sa paglikha ng “Bikoy videos”. —sa panayam ng Ratsada Balita