Mahigpit ang isasagawang imbestigasyon ng Korte Suprema sa mga hukom na dawit sa operasyon ng iligal na droga.
Tiniyak ito ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin kaya’t hindi nila mamadaliin ang imbestigasyon sa usapin at magiging confidential din ang proseso nito.
Ayon kay Bersamin, hindi naman maaaring basta-basta kundenahin ng High Tribunal ang mga nasabing mahistrado ng walang sapat na basehan.
Una nang itinalaga ni Bersamin si Associate Justice Diosdado Peralta para makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
—-