Tuloy ang pagtakbo ni Senator Grace Poe sa pagka-pangulo.
Ito ay matapos na paboran ng Supreme Court ang petisyon ni Poe sa botong 9-6, laban sa COMELEC decision na nagdi-disqualify sa senadora na tumakbo sa 2016 elections dahil sa isyu ng residency at citizenship.
Siyam (9) sa 15 mahistrado, na pinangunahan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ang bumotong pabor kay Poe.
Ilan pa sa mga pumabor ay sina Associate Justices Velasco, Peralta, Bersamin, Perez, Mendoza, Leonen, Jardeleza at Caguioa; habang ang 6 na mahistrado na hindi pumabor ay sina SAJ Carpio, Associate Justices Leonardo-De Castro, Brion, Del Castillo, Reyes, at Perlas-Bernabe.
Inaasahan naman ang paglabas ng kabuuang detalye ng SC decision sa nabanggit na kaso sa mga susunod na araw.