Isinabay sa pagbisita sa bansa ni US Secretary of State John Kerry ang pagkatig ng Supreme Court En Banc sa legalidad ng kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ito ang reaksyon ni Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN.
Ayon kay Reyes, anticipated na nila ang mangyayaring pag-uusap ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay at US Secretary of State John Kerry.
Nagpaalala naman si Reyes kay Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling independent sa usapin ng EDCA at West Philippine Sea.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas