Inatasan na ng Supreme Court ang Commission on Elections (COMELEC) na mag-isyu ng resibo ng boto para sa May 2016 national elections.
Sa press briefing na isinagawa ngayong hapon, sinabi ni SC Spokesperson Theodore Te na naging ‘unanimous’ ang naging boto ng mga mahistrado, 14-0, pabor sa petisyon ni Senator Richard Gordon na i-activate ang voter verification paper audit trail (VVPAT) feature sa mga vote counting machine (VCM) ngayong darating na Mayo 9 para masiguro ang kredibilidad ng eleksyon.
Kasabay nito, inatasan din ng SC ang poll body na maglabas ng guideline para sa voter receipts.