Pansamantalang tumatayo bilang acting Chief Justice si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio makaraang mag-file ng indefinite leave of absence si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Naghain ng indefinite leave si Sereno upang makapaghanda para sa impeachment proceedings laban sa kanya na gugulong sa Senado sa mga susunod na linggo.
Kasalukuyang chairman si Carpio ng 2nd division ng SC at Senate Electoral Tribunal at siya ring acting Chairman ng Presidential Electoral Tribunal (PET) at Judicial and Bar Council (JBC).
Si Carpio na tubong Davao City, ay itinalaga sa Korte Suprema ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong October 26, 2001 at nakatakdang magretiro sa October 26, 2019 o sa kanyang ika-70 kaarawan, na mandatory retirement age ng mga miyembro ng hudikatura.
RPE