Sinuspinde ng Korte Suprema ng isang buwan ang presiding judge ng Manila Metropolitan Trial Court.
Kasunod ito ng guilty verdict kay Judge Jorge Emmanuel Lorredo dahil sa work related sexual harassment.
Si Lorredo ay una nang inireklamo nina Marcelino Espekon at Erickson Cabonita matapos itong magpakita ng pagiging bias at partiality sa kanilang sexual orientation sa isinagawang preliminary conference sa kinakaharap nilang kaso.
Sinabi nina Espekon at Cabonita na paulit-ulit silang tinatanong ni Lorredo kung homosexual ba sila kasabay nang pagsasabing ang homosexuality ay kasalanan.
Dahil dito, binigyang diin ng high tribunal na nakakaapekto ang religious beliefs niya sa paggampan sa tungkulin ni Lorredo kaya’t nawawalan ng silbi ang anumang ihahatol nito sa mga kaso.
Pinagbabayad din si Lorredo ng 50,000 piso dahil sa simple misconduct at conduct unbecoming bilang isang hukom.