Inihirit ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te sa Board of Regents ng UP o University of the Philippines ang plano nitong gawaran ng Honorary Doctorate Degree si Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Te, personal siyang nasaktan sa planong ito ng UP Board of Regents dahil sa hindi karapatdapat ang Pangulo na gawaran ng gayung parangal dahil sa pagsusulong nito ng kultura ng pagpatay at pagpapahina sa Rule of Law.
Una nang idinepensa ni UP Board of Regents Member Fred Mikhail Farolan ang nasabing plano sa pagsasabing bahagi ng tradisyon ang paggagawad ng naturang parangal para sa Pangulo ng bansa, Senate President at Chief Justice.
Magugunitang nagpahayag ng kaniyang pagtutol si Atty. Te sa pagbibigay ng nasabing parangal kay Pangulong Duterte sa kaniyang personal na kapasidad bilang dating human rights lawyer at dating mag-aaral ng UP.
Bago umupo bilang public information chief at assistant court administrator, nagsilbi muna si Atty. Te bilang Vice President for Legal Affairs at dating propesor ng nasabing pamantasan.
By Jaymark Dagala |With Report from Bert Mozo