Nagbitiw na sa puwesto si Supreme Court Spokesperson Theodore Te.
Ito ang kinumpirma ni Te ngayong araw.
Ayon sa ulat, tinanggap na ni Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro ang irrevocable resignation na isinumite ni Te noong August 29.
“I am returning to full-time academic life, which I had put on hold starting 2013 to be able to serve the judiciary and the Supreme Court. I respectfully believe that I would be of greater value to the judiciary and the Court in the academic world at this time.”
“I believe that Your Honor should be given a free hand to craft your own media policies and to appoint a person whom your Honor believes could best implement those policies.”
“It has been a pleasure to have served on 3 committees which Your Honor has led during my tenure as chief of the Public Information Office. May I respectfully offer my every good wish for your and the Court’s success.” Bahagi ng isinumiteng resignation letter ni Te kay Chief Justice De Castro
Itinakda naman sa September 7 ang huling araw sa trabaho ni Te na papalitan ni Deputy Information Chief Maria Victoria Gleoresty Guerra bilang acting PIO chief.
Una nang naitalaga sa posisyon si Te noong 2013 sa ilalim ng pamumuno ng pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Matatandaang, nagpahayag ng mariing pagtutol si Te matapos na patalsikin sa puwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition si Sereno noong May 11.
Ilang minuto matapos na ilabas ng SC ang desisyon sa kaso ni Sereno ay nag-post si Te sa kanyang official Twitter account na: “I dissent!” —AR
— Theodore Te (@TedTe) May 11, 2018
—-