Ipinaalala ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kay Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon itong constitutional duty na ipagtanggol ang national territory ng bansa.
Ito ang inihayag ni Carpio matapos ang pag-amin ni Pangulong Digong sa isang press conference habang nasa working visit sa Myanmar na wala siyang planong pigilan ang China na maglagay ng imprastraktura sa Panatag Shoal.
Ayon kay Carpio, dapat gawin maghain si Pangulong Duterte ng “strong” formal protest laban sa Chinese building activity sa lugar at magpadala rin ng Philippine Navy upang magpatrolya sa Scarborough Shoal.
Inihalimbawa pa ng mahistrado ang ginawang pagkontra ng mga Vietnamese nang magpadala ang China ng cruise tours sa pinag-aagawang Paracel Islands.
Sakali anyang atakihin ng China ang Philippine Navy na magpapatrolya sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc ay dito maaring i-invoke ng Pangulo ang Philippine-US Mutual Defense Treaty o magpasaklolo sa Amerika.
Iginiit din ni Justice Carpio kay Pangulong Duterte na tanggapin na ang “standing offer” ng Amerika na magkaroon ng joint naval patrols sa South China Sea kabilang na ang Scarborough Shoal.
By: Drew Nacino