Tinukoy ng Korte Suprema ang naging batayan nito sa pagbasura ng kasong pandarambong ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon sa kataas-taasang hukuman, hindi nakapagharap ng testigo ang prosekusyon na siyang magpapatunay sana na ibinulsa ni Ginang Arroyo ang higit sa 50 Milyong Pisong Intelligence Fund ng PCSO.
Mahalaga, anitong, elemento ng Plunder Case laban kay Ginang Arroyo ang pam bubulsa ng 50 Milyong Pisong pera ng gobyerno.
Ngunit wala rin, anitong, ebidensyang nagpatunay na napunta nga ang naturang halaga sa dating Pangulo o sa mga kapwa nito akusado na sina dating PCSO Budget and Accounts Manager Benigno Aguas at dating PCSO General Manager Rosario Oriarte.
Nabigo umano ang Ombudsman na patunayan ang umano’y sabwatan ng 3 akusado.
Dagdag pa ng Korte Suprema, hindi sapat na ebidensya ang marginal note na OK ni Ginang Arroyo sa hiling na karagdagang Confidential at Intelligence Funds ni Oriarte para sabihing nagkaroon ng sabwatan upang makapandambong.
Hindi rin, anito, tinukoy ng prosekusyon kung sino ang Main Plunderer o kung kanino nakipag sabwatan ang mga akusado sa pam bubulsa ng nasabing pondo.
By: Avee Devierte