Nanindigan si Doctor Antonio Contreras na walang kapangyarihan ang Korte Suprema na desisyunan kung kwalipikado o hindi kwalipikadong tumakbo sa pagkapangulo si Senadora Grace Poe.
Batay, aniya, sa opinyon na inilabas ni Justice Alfredo Caguiuoa hinggil sa isyu ng citizenship, hindi umano dapat na dinidesisyunan ito ng Supreme Court dahil Quo Warranto lamang at limitado ang kapangyarihan ng Korte hinggil sa usaping iyon.
Sinegundahan umano ito nina Justice Diosdado Peralta at Justice Mariano del Castillo na walang jurisdiction ang Korte Suprema sa isyu ng citizenship ni Poe.
“Dapat maintindihan ng mga mamamayan: Hindi sinasabi doon na sya ay definitely legible na sapagkat natural born at may residency. Walang kapangyarihan ang Korte Suprema tungkol doon kasi hindi sila Presidential Eloctoral Tribunal,” paliwanag ni Contreras.
By: Avee Devierte