Bukas ang Korte Suprema na paharapin sa isang executive session ang mga top security officials ng bansa sa pangunguna nila Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo Año.
Kasunod na rin ito ng kahilingan ni Solicitor General Jose Calida sa ikalawang araw ng oral arguments kahapon makaraang ihirit naman ito ng isa sa mga petitioner na si Albay Rep. Edcel Lagman.
Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, bibigyan din nila ng pagkakataon si Calida na humiling sa korte kung sinu-sino ang sa tingin nila na maaaring dumalo sa executive session kung papayag ang kabilang panig.
Ngunit binigyang diin ng punong mahistrado na dapat na magbigay ng dahilan ang Solgen kung bakit kailangan ang paghihigpit sa Executive Session na nangangahulugan ng pangangailangang tukuyin ang degree of confidentiality ng ibabahagi nilang impormasyon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo