Lumobo sa 200% ng bilang ng scam calls at messages sa Pilipinas sa unang walong buwan ng 2024 kumpara noong 2023.
Ito ay batay sa Anti-scam app na Whoscall, matapos nitong makapagtaya ng mahigit tatlong milyon o 3,032,626 text scams at mahigit tatlong daang libo o 320,978 scam calls mula noong January 1 hanggang nitong August 15.
Ayon kay Gogolook Country Representative for the Philippines Mel Migrino, nagpo-profile ang mga scammers at meron nang ideya kung sino-sino ang kanilang target para sa mga investment scam.
Binigyang-diin naman ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, isa itong lumalalang suliranin na dapat sugpuin ng pamahalaan.