Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Filipino-American Professional Basketball Player.
Ito ay si Avery Roberto Scharer na hinuli matapos umanong tangkaing makalusot sa bansa gamit ang pekeng Philippine Passport.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, noong nakaraang linggo naganap ang pag-aresto kay Scharer sa NAIA Terminal 1 nang iprisinta ang kanyang Philippine Passport sa immigration officer.
Si Scharer, na na-draft sa ika-5 overall ng Wang’S Basketball Couriers sa PBA D-League noong 2015 ay lumipad mula sa Canada at kababalik lang sa Pilipinas.