Walang ipatutupad na pagbabago ang Commission on Elections o COMELEC sa iskedyul ng pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin para sa 2016 presidential elections.
Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang usaping kinahaharap ng poll body tulad ng temporary restraining order o TRO na ipinalabas ng Supreme Court hinggil sa pagpapatupad ng no bio, no boto.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tuloy ang orihinal na iskedyul ng pag-iimprenta sa mga balota dahil hindi naman ito saklaw ng inilabas na TRO ng High Tribunal.
Kung sakaling may pagbabago man, nangangamba si Bautista na magkaroon ng domino effect dahil bilang na ang araw mula sa pag-iimprenta ng mga balota hanggang sa delivery ng mga ito lalo na sa mga lalawigan.
By Jaymark Dagala