Naapektuhan ng din bagyong ‘Tisoy’ ang schedule ng ilang sporting events na nakatakda sana kahapon, Martes.
Ilan sa mga larong naantala ay ang Canoe, Kayak, Surfing at Sepak Takraw.
Hindi rin kasi nakarating ang ibang atleta matapos makansela dahil sa sama ng panahon.
Gayunman tiniyak ng PHISGOC na may accomodation para sa mga atletang naapektuhan ng bagyo.
Hindi pa naman matiyak kung kailan matutuloy ang mga ipinagpalibang laro.