Inilabas na ng pamunuan ng Quiapo Church ang schedule para sa pista ng itim na Nazareno sa susunod na taon.
Bagama’t wala ng magaganap na traslacion dahil sa banta ng COVID-19, tuloy pa rin ang selebrasyon kaya’t tatawagin itong Nazareno 2023.
Simula ngayong araw, December 1- 15 at December 27 – 29, 2022, dadalhin ng mga pari ang imahen ng itim na Nazareno sa iba’t ibang lalawigan, sektor, at komunidad sa bansa.
Gaganapin naman ang pahalik at misa sa Quirino Grandstand sa luneta sa January 7 – 9, 2023.
Samantala, nilinaw ng pamunuan na walang mangyayaring pasanan ng imahe, sa halip ay magkakaroon lamang ng Walk of Faith sa January 8, 2023.