Daragdagan ng National Police Commission o NAPOLCOM ang scholarship benefits nila sa mga dependent ng 44 na nasawing Special Action Force commandos sa Mamasapano, Maguindanao.
Ito’y base sa NAPOLCOM Memorandum Circular Number 2015–001 kung saan inaprubahan ang karagdagang pondo para sa benepisyo.
Ayon kay PNP Spokesman, Senior Supt. Bartolome Tobias, 50 percent increase ang kanilang inaprubahan para sa mga anak ng SAF 44 na nasa elementary, high school at vocation courses habang 36 para sa mga nasa regular college.
Pinayuhan naman ng PNP ang mga nais mag-avail ng educational assistance at mga beneficiary na makipag-tulungan sa kanilang regional NAPOLCOM office at magsumite ng proof of enrollment na may kasamang mga resibo at kopya ng fee assessment ng mga paaralan.
Kailangan ding mapanatili ng NAPOLCOM beneficiaries ang average grade na 2.75 o 80 percent per semester para sa college at vocational at 80 percent o katumbas mga marka sa elementary at high school.
By Drew Nacino | Cris Barrientos (Patrol 21)