Inaprubahan ng National Police Commission o NAPOLCOM ang tulong pang-edukasyon para sa mga anak ng nasawing SAF 44.
Ayon kay C/Supt. Wilben Mayor, Tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), maaaring makapag-aral ng libre ang mga benepisyaryo hanggang kolehiyo.
Batay sa tala ng PNP, 46 na kabataan ang nabigyan na ng educational assistance certificates mula sa 89 na humingi nito na karamihan ay pamangkin o kapatid ng mga nasawi.
Nabiyayaan ng scholarship ang 43 sa ilalim ng Presidential Social Fund at 17 naman ang sa ilalim ng Commission on Higher Education o CHED.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal