Nag-aalok ang French embassy sa Maynila ng scholarship sa mga Pilipino nais kumuha ng Master’s o Doctorate degree sa mga kolehiyo sa France.
Ayon sa French embassy, maaaring mag-aplay ng scholarships ang mga Pilipino scientist at researchers sa pamamagitan ng kanilang programa katuwang ang Science Education Institute ng Department Of Science and Technology (DOST).
Partikular na hinihimok ng embahada na mag-apply sa PhilFrance-DOST scholarship program ang mga nag-aaral sa larangan ng agrikultura, biological science, climate change, forestry, health and medical research, material sciences, natural resources and environment, nuclear application on health and veterinary sciences.
Kabilang sa mga maaaring makuha ng mga kuwalipikadong scholars ang libreng public university registration fees, round trip ticket sa Manila at France, visa application fees, buwanang allowance habang nag-aaral.
Gayundin ng relocation allowance, pre-travel expenses, health care package at priority acces para sa public student accommodation.