Malaki ang naitutulong ng SM Foundation sa pamamagitan ng SM Scholarship program sa mga naghahangad na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
Sa panayam ng DWIZ, ikinuwento ni Ms. Gretchen Natanauan, Sm scholar Alumnus na isa siya sa biniyayaan na maging benepisyaryo ng nasabing programa.
Aniya, malaki ang pasasalamat niya sa SM dahil kung wala ito ay hindi rin niya maaabot ang buhay na mayroon siya ngayon.
I agree po sa sinabi ni Ms. Linda po na talagang maraming naitutulong ‘yung SM Foundation. Parang nagkaroon kami ng opportunity… part time kapag christmas break, may opportunity kami magkaroon ng exposure mag-work sa mga SM Department Store. So, actually magandang way of nurturing us to empower us na ganito pala ang reality once you work, so malaking tulong po talaga siya sa amin.
Sinabi naman ni Ms. Lee Ann Bulaklak, mag-aaral ng National University at kasalukuyang iskolar ng SM Foundation na nakatulong din ang programa sa kaniya para maipursige ang kursong accountancy.
Nung grade 10 po kasi ako may teacher po kami na sinabi po sa amin ‘yung mga scholarship po na puwede namin pag-applyan for college tapos nag-research po ako, isa na po doon ‘yung SM Foundation and since ang nasa isip ko po non magte-take ako ng ABM, naghanap po ako ng mga foundation na puwede ko pong applayan… tapos junior high pa lang alam ko na po ‘yung mga documents na dapat kong i-prepare saka grades na dapat ko pong i-maintain… Ano po, ang gusto ko po talaga non accountancy, kasi ABM po tas parang diretso na sa accountancy kaso nung ano po kinakabahan ako sa mga email ng SM kung makakapasa po ako ganon. Tapos kung hindi po sana ako makakapasa sa scholarship, ang target ko po is state university para ma-lessen ‘yung burden ng mga tuition kaso po nakapasa nga po pero hindi don sa desired course ko, and nung nag-email po sakin ‘yung SM na nakapasa ako, nagkaroon po ako ng chance na ba para sa akin talaga ‘yung accountancy kasi magkakaroon po ako ng chance na ma-pursue ‘yung accountancy with the help of SM po.
Ang pahayag nina Ms. Gretchen Natanauan, Sm scholar Alumnus at Ms. Lee Ann Bulaklak sa panayam ng DWIZ