Inilunsad na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang scholarship program para sa mga kwalipikadong kawani ng ahensya.
Sa ginawang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa scholarship program, layon nito na mabigyan ang mga kawani ng mmda ng oportunidad na pag-ibayuhin ang kanilang trabaho, sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng professional development programs.
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang mga manggagawa ng mmda ng tiyansa na ipagpatuloy at tapusin ang kanilang bachelor’s degree, at magkaroon ng mas magandang oportunidad sa ahensya.
Simula pa noong 2020 nagbibigay ng scholarship grants ang MMDA sa mga kwalipikadong empleyado nito katulad ng post-graduate studies. - sa panulat ni Abby Malanday