Pumirma na ang tatlong ahensya ng pamahalaan ng Memorandum of Understanding (MOU) na bubuo ng isang scholarship program para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagbaba ng kanilang armas.
Kasama ng Commission on Higher Education (CHED) ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa naturang proyekto.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, inaasistehan na nila ang BARMM para mapatupad ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng edukasyon ang lahat ng kabataan sa bansa.
Bukod sa mga nagsuko ng armas ay kasama rin sa mga bibigyan ng scholarship ang kanilang mga dependents.
Samantala, humiling na si OPAPP Secretary Carlito Galvez Jr. ng budget sa kongreso para sa pondo ng naturang scholarship program.