Inanunsyo ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na sinuspinde nito ang “synchronous and asynchronous activities” sa lahat ng antas ng taon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga estudyante at miyembro ng faculty nito.
Ayon sa unibersidad, ang suspensyon, ay sumasaklaw din sa mga graduate at law school mula Enero 10 hanggang Enero 16 sa lahat ng sangay at satellite campus.
Pinayuhan ng PUP, ang mga miyembro ng faculty na ilipat ang mga huling araw ng pagsusumite ng mga academic requirements.
Samantala, ang anunsyo ng unibersidad ay dumating ilang oras matapos ipahayag ng Department of Health (DOH) ang all-time high na 40% positivity rate sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez