Nanawagan ang Davao City COVID-19 task force head na si Dr. Michelle Schlosser sa mga magulang ng kabataan na pabakunahan na ang kanilang mga anak kontra COVID-19.
Hinikayat din ni Sclosser ang mga paaralan ng lungsod na makipagtulungan sa pinakamalapit na District Health Office para sa vaccination ng mga kabataan.
Batay kay Schlosser, nananatiling mababa ang bilang ng mga vaccinated kontra COVID-19 kung kaya’t mas paiigtingin pa ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Samantala, umaasa si Schlosser sa suporta ng mga magulang ukol rito. – sa panunulat ni Maze Aliño -Dayundayon